Paggunita sa Wikang Pambansa

Sa ikatlong pagkakataon ay nakiisa ang CARD-MRI Development Institute, Inc. (CMDI) sa pagdiriwang ng “Buwan ng Wikang Pambansa” na may temang “Filipino: Wikang Mapagbago” noong ika-23 hanggang ika-25 ng Agosto 2017 na kung saan ay ginanap ang iba’t ibang patimpalak na may kaugnayan sa pagiging makabansa.

Nagpamalas ng galing, talino, at talento ang mga mag-araal ng Senior High School (SHS) at kolehiyo sa mga sumusunod na paligsahan: Masining na Pagsulat ng Tula; Masining na Pagsulat ng Sanaysay; Malikhaing Pagguhit at Paggawa ng Poster; Patulang Pagtatanghal; Pandayang-Isip; Balagtasan; Bigkas, Sayaw, at Awit (Bigsayawit); at Lakan at Lakambini ng CMDI 2017.

Layunin ng palatuntunan na ipaunawa ang kahalagahan ng Wikang Pambansa bilang isa sa mga susi sa kaunlaran ng bayan; paigtingin ang pagtangkilik sa sariling lahi at kultura; at panatilihin ang pagmamahal sa wikang Filipino bilang instrumento sa positibong pagbabago.

“Ang pagdiriwang na ito ay isang pagbabalik-tanaw sa ating lahi o pagkatao at pagpapahalaga sa mga nagawa o kontribusyon ng ating mga ninuno at bayani at sa ating panahon ngayon kung ano ang ating magiging kontribusyon para sa ating bayan,” ani ni Gng. Deverna dT. Briones, Vice President for Administration and Academic Affairs.

Sa pamamagitan ng pagsulat ng tulang may tema at tugma ay naipahayag ng mga kalakahok ang kanilang mga pananaw sa wika kung saan nangibabaw ang angking galing nina Mary Joy Valencia, John Romel Bayani, at Jessabel Navarro.

Samantala, natanggap ni Alvin Alon ang unang gantimpala na sinundan ni Veronica Guevarra at Angela Grace Sandig para sa mahusay na pagkakabuo ng sanaysay kung saan malayang naisulat at naipahayag ng mga kalahok ang mga saloobin o mga katotohanang sumasalamin sa wikang Filipino.

Naging malikhain naman ang mga kalahok sa larangan ng pagguhit at paggawa ng poster kung saan nagwagi si Rica Jane Espinosa, Jayson Maningas, at Jocelyn Feratero.

Ang mga kinatawan ng bawat seksyon ay tila naging makata nang sumalang sa patulang pagtatanghal. Nakamit ni Harlene Joy Reyes ang unang gantimpala. Samantala, naiuwi ni Rachelle Anne Tizon at Jasper Almario ang ikalawa at ikatlong karangalan para sa kategoryang ito.

Dagdag pa dito, sa Pandayang-Isip ay nag-unahan ang bawat pangkat sa pagsagot ng mga katanunang may kinalaman sa kasaysayan. Dahil sa ipinakitang katalinuhan ay nagwagi ang mga mag-aaral ng Bachelor of Science in Entrepreneurship Block 1.

Nanalo ang mga kinatawan ng Bachelor of Science in Accountancy sa larangan ng balagtasan na kung saan ay ikinumpara ang wikang Filipino sa wikang banyaga. Gayundin ay tinalakay ang ukol sa modernisasyon, pag-usbong ng makabagong teknolohiya, at iba’t ibang pagbabago sa lipunan na nakaaapekto sa Pagka-Pilipino.

Sa kabilang dako ay humanga at napabilib ang mga manonood sa pagtatanghal ng bawat pangkat sa Bigsayawit nang bigyang buhay nila ang “Wikang Filipino, Wikang Mapagbago” mula sa diwang payak ni Erico Memije Habijan kung saan nanguna ang Grade 12 Laos.

Masigabong palakpakan naman ang sumalubong sa mga Lakan at Lakambini nang magsimula silang magpakitang gilas sa entablado at magtagisan ng talino habang itinatampok ang nagagandahan at makukulay na kasuotang Pilipino. Tatlong pares ang nangibabaw at hinirang na Lakan at Lakambini ng CMDI 2017: (Lakan at Lakambini ng Wika) Ryan Dom Peña at Ela Faith Miranda; (Lakan at Lakambini ng Panitikan) Cyrin Javilona at Allan Paolo Duna; (Lakan at Lakambini ng Balarila) Rommiel Punzalan at Robielyn Villamor.

Ang lahat ay punong-puno ng kagalakan sa mga aktibidad na natunghayan. Gayundin ay matagumpay na naidaos ang makabuluhang pagdiriwang. “Sana’y higit nating mahalin at ipagmalaki ang lahing Pilipino, ang sariling atin,” saad ni Gng. Briones.

1Masining na Pagsulat ng Tula
Nangibabaw ang angking galing nina Mary Joy Valencia, John Romel Bayani, at Jessabel Navarro sa pagsulat ng tulang naaayon sa tema.

2Masining na Pagsulat ng Sanaysay
Pinarangalan sina Alvin Alon, Veronica Guevarra, at Angela Grace Sandig sa mahusay na pagsusulat ng sanaysay.

34Pagguhit at Paggawa ng Poster
Ang mga kalahok ay naging malikhain sa pagbuo ng konsepto at pagguhit ng poster kaugnay ng pagdiriwang ng Wikang Pambansa. Nagkamit ng medalya sina Rica Jane Espinosa, Jayson Maningas, at Jocelyn Feratero.

5Patulang Pagtatanghal
(Tatlong larawan mula kaliwa hanggang kanan) Nakamit ni Harlene Joy Reyes ang unang gantimpala sa patulang pagtatanghal. Samantala, naiuwi ni Rachelle Anne Tizon at Jasper Almario ang ikalawa at ikatlong karangalan.

6Pandayang-Isip
Nakipagtagisan ng talino ang bawat pangkat sa pagsagot ng mga katanungang may kinalaman
sa kasaysayan ng wikang Filipino kung saan nanguna ang mga mag-aaral ng
Bachelor of Science in Entrepreneurship Block 1.

7Balagtasan
Ipinahayag ng bawat pangkat ang kani-kanilang katwiran ukol sa mga kahalagahan at pagkakaiba ng wikang Filipino at wikang banyaga.

8Ang mga makatang nagwagi sa Balagtasan
(Larawan mula kaliwa hanggang kanan) Nasungkit ng mga kinatawan ng Bachelor of Science in Accountancy ang unang karangalan na sinundan ng Grade 11 Competence at Grade 12 Laos.

9Bigsayawit
Ang bawat pangkat ay may kani-kanilang istilong nagpabilib sa mga manonood.

10Mga nagwagi sa Bigsayawit
(Larawan mula itaas paibaba) Napanalunan ng Grade 12 Laos ang unang gantimpala na sinundan ng Bachelor of Science in Entrepreneurship Block 1, at Grade 12 Cambodia.

11

Lakan at Lakambini: pagpapamalas ng talento at kasuotang Pilipino
Buong kumpiyansang ibinahagi ng bawat pares ang kanilang talento sa iba’t ibang larangan.

12

Lakan at Lakambini na may natatanging ngiti
Allan Paolo Duna at Jaicel Gecolea

13

Lakan at Lakambini na palakaibigan
Ryan Dom Peña at May Anne Padilla

14

Pinakatanyag na Lakan at Lakambini
Allan Paolo Duna at Cyrin Javilona

15

Lakan at Lakambining pinakamahusay sa talento
Jaicel Gecolea at Rommiel Punzalan

16

Lakan at Lakambining pinakamaganda sa kasuotang Pilipino
Ryan Dom Peña at Robielyn Villamor

17

Lakan at Lakambini ng Wika (Unang karangalan)
Ryan Dom Peña at Ela Faith Miranda

18

Lakan at Lakambini ng Panitikan (Ikalawang karangalan)
Cyrin Javilona at Allan Paolo Duna

19

Lakan at Lakambini ng Balarila (Ikatlong karangalan)
Rommiel Punzalan at Robielyn Villamor

20

Mga Lakan at Lakambini ng CMDI 2017

Ni Dianne B. Ubaldo
Mga Larawan ni Dianne Ubaldo, Paul Dumdum, at Luisito Lapitan, Jr.